- Out-of-Stock

Safe and Secure Checkout
(edit with the Customer Reassurance module)
(edit with the Customer Reassurance module)
* Delivery to Metro Manila addresses may take up to 3-5 working days. Provincial deliveries may take 7 working days or longer.
* Not Applicable for Pre-Order or Special Order Items
* Deliveries during sale promotions and holiday seasons may take longer than usual.
* National Book Store may postpone processing and deliveries in case of flood and other natural disasters to ensure the safety of its personnel.
Call us (632) 8-8888-627
Mon-Sun 8AM-8PM
Panimula
Sa silay ng makabagong panuntunan ng edukasyon ay muli na naman tayong nagbago ng adhikain sa paggawa ng isang makabuluhang aklat para sa mga mag-aaral ng Araling Panlipunan (Sibika at Kultura, Hekasi) mula sa kurikulum ng K-12 Philippine Basic Education Curriculum Framework na ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ang bawat kasanayan sa pagkakatuto ay nilinang muli upang makaagapay sa makabagong mithiin ng ating pamahalaan na tuwid na daan sa magandang pagbabago ng lipunang ating ginagalawan. Ang serye ng Araling Panlipunan 1-6 ay may layong makalimang ng kaisipan ng mga mag-aaral na magkaroon ng katiyakang siya ay kasapi sa lipunang kanyang ginagalawan, sa bansang kanyang minamahal, at sa daigdig na kanyang kinabibilangan. Lubusang pang-unawa sa kanyang pagkatao at kakayahang pansibiko upang magkaroon pa rin ng pagkakaunawa sa nakaraan at kasalukuyan.
Ang aklat na Araling Panlipunan Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino sa Dulo ng Panahon ay ibinase sa bagong istrakturang pang-edukasyon ang K-12 Araling Panlipunan Framework. Ang bawat aralin ng seryeng ito ay buong ingat na isinaayos at inorganisa upang lalong maunawaan ng mga babasa. Makikita sa mga dibuho, guhit, at grapiko na buong ingat na ginawa upang maiugma sa mga aralin para ito ay maging kasiya-siya at mas lalong maging makabuluhan. Kaya ang lahat ng mga mag aaral ay buong puso naming inaanyayahan na basahin ang seryeng ito upang makakita sila ng paraan upang magbigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng ating bansa at lalo pa silang masiyahan sapagkat mas masaya ang manirahan sa Pilipinas. Ang workteks na ito ay may layuning paunlarin ang konsepto ng pagkatao-bilang isang batang Pilipino ay kailangan niyang malaman kung sino siya bilang Pilipino, ang kanyang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamamayan. Binibigyan din siya ng pagkakataong alamin ang mga magagandang pisikal na kaanyuan ng kanyang bansa,kasama na ang yaman ng kultura, kalikasan, kalupaan at katubigan. Malalaman din niya kung sino sino ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kasarinlan.
Data sheet
Your review appreciation cannot be sent
Report comment
Report sent
Your report cannot be sent
Write your review
Review sent
Your review cannot be sent